Sabado, Oktubre 15, 2016

Iba't ibang Estilo ng Damit Ngayon sa Pilipinas

Noon sa pananakop ng mga Kastila sa ating bansa, kasama na rin sa kanilang nadagdag na pagbabago o naka-impluwensya sa ating mga Pilipino ay ang pananamit. Kung saan makikita dito na ang ating pananamit ay nababatay sa mga uso sa lalawigan ng Europa:

Ngayong ay laging sunod sa uso ang mga Pilipino Lalo na ang mga kabataan. Hindi na iniisip kung bagay ba sa kanila o hindi. Kahit di importante sige lang, bili dito, bili dun basta uso. Dapat natin tingnan ang ating pinansyal na aspeto bago sumunod sa agos.Kadalasan ang mga uso ngayon ay madaling malaos kaya dapat maging mapanuri din sa pamimili. Dahil na rin siguro sa kasabihang ang "fashion" ay sumasalamin sa ating pagkatao. Di nyo ba napapansin kung paano ka manamit ay iyon ang unang napapansin.Karamihan sa mga tao ay mapanghusga lalo na sa panlabas na anyo. Dapat tayong maging responsable sa ating pananamit upang di maging tampulan ng tukso at katatawanan.
Naririto ang mga iba't ibang porma ng mga Pilipino sa Pilipinas:


                                    


Nasa sa iyo na ang pagdadala ng damit. Hindi naman sa pananamit makikita kung maganda ka o kung panget, makikita ang kagandahan kung ikaw ay marunong magakayak ng tamang damit. Di na kinakailangan ng isang babae na paikliin ang kanang kasuotan para makaakit kung di nasa talento o iba pa makikita iyo.  Para sa akin mas gusto ko pa ang dating pananamit. May pag gagayak na maayos kesa sa panahon ngayon.


Tips para makasabay sa mga umuusong porma sa Pilipinas:
1) Una kanakailangan updated ka sa mga sumisikat na pananamit sa ibang bansa.
2) Lahat ng mga Damit na di mo ginagamit maari mo muling mapakinabangan, basta marunong kang magkumpuni.
3)Lahat ng pinaglumaan mo alam mo kung paano mapapaganda.
4) Para sa akin kinakailangan Creative ka.